BOMBO DAGUPAN – Walang pagdiriwang ng Pasko sa Turkey.
Ang Disyembre 25 ay hindi isang pampublikong holiday sa kanila at mas higit na pinagdiriwang ang bagong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Emin Sevim – Bombo International News Correspondent sa Turkey, maraming bayan at lungsod ang may mga dekorasyon at pailaw din.
Samantala, mayroon din daw silang Santa Claus doon dahil ang bansang Turkey ay hometown ni Santa Claus kung saan diyan kilala ang Turkey kapag pinag uusapan ang pasko.
Ang mga mamamayan doon ay mas karaniwan na nagdiriwang ng Bisperas ng Bagong Taon, na isang mas malaking selebrasyon sa Turkey kaysa sa Pasko.
Gaya naman sa bansa ay naghahanda rin sila ng mga pagkain at kadalasan ay nagupunta rin ng mall at iba pang lugar.