Mga Ka-Bombo, naniniwala ka ba sa kasabihang “age doesn’t matter” pagdating sa pag-ibig?
Naniniwala ka ba na love that lasts has no number in it?
Naging bahagi kasi ng kasaysayan ang mag-asawang Bernie Littman, 100 anyos, at Marjorie Fiterman, 102 anyos, mula sa Philadelphia nang makamtan nila ang Guinness World Record bilang pinakamamatandang newlyweds sa buong mundo.
Ipinagdiwang nila ang kanilang kasal noong Mayo 19 sa senior living facility kung saan sila naninirahan, matapos magtaglay ng kolektibong edad na 202 taon.
Talaga namang love will find its way to forevermore!
Ang kanilang kuwento ng pag-ibig ay nagsimula sa isang costume party sa naturang pasilidad.
Sa kabila ng kanilang magkahiwalay na landas, natuklasan nilang pareho pala silang nag-aral sa University of Pennsylvania noong magkasunod na taon—ngunit hindi kailanman nagkakakilala.
Si Littman at Fiterman ay parehong nakaranas ng mahigit 60 taon ng kasal sa kanilang unang asawa, at ngayon, sa edad 100, muling nakatagpo ng pag-ibig.