BOMBO DAGUPAN – Tumaas ang employment status dito sa rehiyon uno.
Ayon kay Exequiel Ronie A Guzman , Regional Director ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 sa San Fernando, La Union, as of October, 2024, ang employment rate sa region 1 ay naitala sa 96.7 kung saan ay tumaas ng 1.5 percent kung ikukumpara sa parehong buwan noong October 2023 na naitala sa 95.2 percent.
Sinabi niya na ito ay magandang senyales na ang employment situation sa rehiyon ay patuloy na lumalago kung saan ay mas mataas ang employment rate kaysa sa national na 96.1 percent lamang.
Samantala, bumaba rin ang under employment rate sa rehiyon.
Ayon pa kay Guzman, noong October 2023 ay naitala sa 11.8 percent, habang sa October 2024 ay nasa 6.3 percent na lamang.
Dahil sa pagbaba ng under employment rate o pagtaas ng employment rate ay nagpapatunay na ang mga programa patungkol sa employment generation at pagbibigay ng quality job sa mga manggagawa.
Ito ay pagpapakita rin ng patuloy na paglago ng economic condition sa nasabing rehiyon.