Isang magandang uri ng paghahanda sa oras ng sakuna tulad ng lindol ang family preparedness at proper communication, kung saan maaari itong makapagligtas ng buhay.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu ang Operations Supervisor ng PDRRMO Pangasinan, may mga naranasang pagyaning nitong mga nakaraan sa lalawigan, ngunit walang naitalang mga untoward incident sa mga apektadong lugar.
Aniya, patuloy ang isinasagawang information dissemination at pagapapanatili ng monitoring ang opisina.
Nagsasagawa rin ng palagiang earthquake simulation sa buong lalawigan at pinag-iigting ang isinasagawang monitoring sa mga landslide prone areas.
Idiniin din ng opisyal ang kahalagahan ng proper communication sa loob ng pamilya bilang isa sa mga paghahanda ukol sa nasabing sakuna.
Pinag-iingat rin ng opisina ang mga lugar na malapit sa dagat dahil sa banta ng tsunami sa oras na magkaroon ng malakas na pagyanig sa nasabing probinsiya.
Mensahe naman ng opisina na laging maging alerto sa mga oras ng paglindol at magkaroon ng maayos na ugnayan sa loob ng pamilya.