Mga kabombo! Ano ang kaya mong gawin para lamang makatakas at hindi managot sa batas?
Isang 20-anyos kasi na residente sa US ang nagtago sa ceiling sa loob ng ilang buwan.
Ayon sa ulat, Kinilala ang suspek na si Deario Wilkerson. Napag-alaman kasi na nahaharap ito sa kasong first-degree murder and reckless endangerment dahil sa kinasangkutan niyang insidente ng pamamaril noong abril 2, sa Memphis, Tennessee.
Kung saan isang lalaki ang nasawi sa insidente, at isang babae ang nasugatan.
Paglilinaw ng mga awtoridad, ilang buwan ding pinaghahanap si Deario bago siya tuluyang nasakote—sa isang kakatwang paraan.
Base sa salaysay ng mga kinauukulan, isang residenteng naninirahan sa isang apartment complex dahil sa naganap na kaguluhan kung saan ay involve pa rin dito ang suspek nasi Deario.
Agad hinalughog ng mga awtoridad ay area at ang mga bahay ngunit hindi nakita si Deario, at sa hindi inaasahang pagkakataon, bago umalis ang mga awtoridad, kakatwang pangyayari ang naganap.
Nalaglag mula sa attic ng bahay si Deario nang mabutas ang kisame. Doon pala siya nagtago.
Hindi naman umano nasaktan si Deario sa pagkakabagsak. Hindi na rin siya nanlaban sa mga umaresto sa kanya.
Nagtakda ang korte ng piyansang US$6 million para sa kanyang pansamantalang paglaya dahil nahaharap siya sa patung-patong na kaso. Kasalukuyan siyang nakadetine sa Shelby County Jail.