Mandato ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 1 na mapanatiling secure ang mga teknolohiya at naimplementa ang international standards.

Ayon kay June Vincent Manuel “Wikz” Gaudan Director, Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 1 na napakaseryoso nila pagdating sa cybersecurity at tuloy-tuloy ang kanilang operations at maintenance.

Aniya na nadagdagan ang kanilang developers bagama’t mataas na ang mga sahod ng ganitong trabaho sa ibang bansa ay nanatili parin sila sa Pilipinas upang magsilbi.

--Ads--

Saad naman nito na dapat prayoridad paring ingatan ang password dahil nakasalalay parin dito ang seguridad online.

Samantala, kaugnay naman sa expansion ng free wifi sa rehiyon aniya na ito ay patuloy pang lumalawak kung saan inaasahan na tataas pa ang bilang nito sa susunod na taon.

Dahil isa sa kanilang prayoridad ay mapataas o mapalawak ang connectivity sa buong rehiyon.

Dagdag pa niya maswerte tayo dahil parte tayo ng first phase pagdating sa connectivity sa bansa.

Pagbabahagi pa nito na buo ang kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa mga komunidad sa pamamagitan ng telekomunikasyon.