Na ospital ang aktres na si Claudine Barretto dahil sa mababang blood pressure.

Ayon sa post ng aktres kamaikailan, kailangan siyang ma-confine dahil dito.

Nagpasalamat naman siya sa mga anak na si Santino at Sabina sa pag-alaga sa kanya.

--Ads--

Sa isa pa niyang post, pinasalamatan ni Claudine ang lahat ng kanyang mga doktor at nars.

Ilang buwan nang masama ang pakiramdam ng actress kung saan ay may mga araw raw umiiyak lamang daw siya at walang ganang kumain.

Kaya naman masaya raw siya kapag may mga biglaang bumisitang kaibigan sa bahay niya upang kamustahin siya.

Kabilang sa mga bumisita sa kanya sa bahay ang “baby brother” niyang si Boy2 Quizon, at ang kaibigang si Katrina Paula.