Pitong katao ang nasawi habang tatlo naman ang nasugatan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa pananalasa ng bagyong Pepito.
Ayon kay Kristine Keith Palcon, PDRRMO Nueva Vizcaya nasawi ang 7 dahil sa nangyaring lanslide dulot ng bagyo.
Habang ang 3 naman na nasugatan ay dinala sa pagamutan.
Sa kasalukuyan ay ongoing pa ang clearing operations sa kanilang lalawigan at may mga area pa na hindi pa humuhupa ang baha na umaabot naman ng below the knee.
Bagamat wala pa silang datos sa kabuuang bilang ng mga apektado ay prayoridad nilang matulungan ang mga kailangan pang i-evacuate.
Lalo na at baka umangat pa ang tubig dahil sa posibilidad na magpakawala ng tubig ang mga dam sa kanilang lugar.
Passable naman ang provincial road sa Nueva Vizcaya at may mangilan ngilan lamang na one lane dahil sa mga nagsitumbahang mga punong kahoy.
Samantala, paalala naman nito sa publiko na kapag nagpatawag na ng pre-emptive evacuation ay sumunod agad para makaiwas sa anumang masamang dulot ng bagyo.