BOMBO DAGUPAN – Ikinadismaya ng BAN Toxics ang paglaganap at pagbebenta ng mga produktong skin whitening na may sangkap na mercury sa online shopping platforms.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Campaigner ng Ban Toxics, patuloy ang pagbebenta ng mga prohibited o mga ipinagbabawal na skin whitening products sa online platform sa kabila ng kanilang panawagan na alisin na ito sa kanilang mga advertisement.

Saad nito na sa pagsusuri nila ng 50 na samples na binili online, 44 dito ay nagtataglay ng kemikal katulad nga mercury na delikado na gamitin ng mga consumer.

--Ads--

Aniya, simula taong 2013 hanggang 2024 ay patuloy ang paglabas ng Food and Drug Administration ng mga health advisories sa mga nabanggit na mga produkto

Kaugnay nito ay nanawagan siya sa mga mamimili na mag ingat sa pagbili ng mga pampaputing mga produkto lalo na ang nagsasabi sa loob ng lima hanggang pitung araw ay puputi ang gagamit nito.

Nababahala rin siya dahil sa ngayon isang click lang ay maaari nang makabili ng nasabing produkto online.

Panawagan nito sa Food and Drug Administration at sa Department of Trade and Industry o DTI na tulongan sila sa kanilang kampanya .

Dagdag pa niya na nakakalusot ang pagbebenta ng produkto dahil maluwag ang pamahalaan kung kayat magpahanggang ngayon ay wala pa ring napapaulat na inalis o natanggal na mga nagtitinda ng mapangib na kemikal.