DAGUPAN CITY- Nasawi ang drayber ng isang garong sa bayan ng Mangaldan matapos itong makipagsalpukan sa isang motorsiklo habang sugatan naman ang 7 katao.

Ayon kay PCPL. Christian Gascon, imbestigador ng Mangaldan PNP, residente ng bayan ng Agno ang lulan ng garong, habang residente naman ng Mangaldan ang sakay ng motorsiklo at residente ng bayan ng Mapandan ang isa pa nitong sakay.

Papauwi na sana ang pamilyang sakay ng garong galing sa dinaluhang binyag sa Ilocos Sur. Habang binabagtas ang kahabaan ng National Highway sa Brgy. Bantayan, sa nasabing bayan ay nakabanggaan na nito ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang katao.

--Ads--

Sa kasamaang palad, ikinasawi ng drayber ng garong ang naturang insidente habang nagtamo naman ng galos sa katawan ang limang sakay nito.

Sa kasalukuyan naman ay nasa ospital na ang drayber at pasahero ng motorsiklo.

Patuloy naman iniimbestigahan pa ang insidente upang alamin pa ang detalye sa pangyayari.

Nagbabala naman si Gascon na magsuot ng safety gear sa tuwing bumabyahe tulad ng helmet at reflectorized vest naman kung sa gabi babyahe.