Dagupan City – Muli na namang pinutakte ang ilang mga barangay sa bayan ng Umingan.
Ayon kay Judith de Leon, Consultant/Adviser ng Cadiz Bantay Langaw Association, palaisipan ngayon ang muling pagdagsa ng mga langaw sa ilang mga barangay partikular na sa brgy. Ricos kung saan, ang ilang mga tahanan doon ay pinasok na rin ng mga ito.
Tinignan na rin ng mga ito ang ilang mga bahagi ng poultry sa kalapit na brgy. ngunit nang suriin ang mga ito ay wala pa rin sila sa harvest season.
Dahil dito, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at kanilang lokal na pamahalaan upang suriin ang pinagmumulan nito.
Samantala, nakatakda na ring bumuo ang brgy. Ricos ng asosasyon upang sugpuin ang kanilang matagal nang suliranin.
Matatandaan kasi noong enro ngayong taon huling napaulat ang kanilang suliranin sa langaw partikular na sa barangay Cadiz, Gonzales, Florez at San Vicente.