Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng isang islang may bahay?
Kung oo, aba! ibahin niyo itong isla na viral online!
Ito’y matapos na masilip ang loob nito na isang luxury and lifestyle travel magazine na may sukat na 3,300 square feet o 310 square meters. At mistulang singlaki lamang ng isang tennis court.
Binansagan naman itong “Just Room Enough Island” matapos na masakop ng itinayong cottage dito ang kabuuan ng island dahil sa sobrang liit ng area.
Ayon sa ulat, itinuturing naman itong world’s smallest inhabited island—kahit pa hindi pa ito nagagawaran ng parangal ng Guinness World Records.
Mapupuntahan naman anila ito sa pamamagitan ng bangka.
Lumalabas din na una na itong tinawag na Hub Island na matatagpuan sa pagitan ng United States at Canada sa Alexandria Bay, New York.