DAGUPAN CITY- 9 na munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan ang naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang nakaranas ng storm surge dahil sa bagyong Kristine.
Ayon kay Pia Flores, PDRRMO, 33 barangay evacuees ang kanilang naitala dulot ng nasabing storm surge.
Aniya, nasa kabuoang 672 na mga pamilya at 2,328 na mga indibidwal ang nagsagawa ng pre-emptive evacuation mula sa 9 na munisipalidad partikular na sa Dagupan City, Alaminos Ciy, Binmaley, Lingayen, Infanta, Labrador, San Fabian, Sual, at Bolinao.
Sinabi naman ni Flores na ang pagbaha naman sa Lingayen Baywalk ay dulot ng nagsama-samang high tide, storm surge, at buhos ng ulan na dulot ng bagyong Kristine.
Samantala, ayon naman kay Marie Angela Gopalan, Regional Director ng DSWD Region 1, ilang probinsya at Local Government Unit na rin ang humiling sa kanila ng augmentation para maipamahagi ang mga relief goods sa mga ngangailangan.
Aniya, umaabot sa 93,750 ang mga food packs habang nag non-food items ay nasa 17,000 para sa buong rehiyon.
Ito aniya ay ipapamahagi sa 19 warehouses at 3 rito ay direktang pinapamahalaan ng kanilang ahensiya.
Sinabi ni Gopalan na sa oras na makatanggap sila ng request, una nilang tinitignan ay ang report ng apektadong mga pamilya at kung ano na ang naipamahagi ng LGU sa kanila.
At tsaka nila ito i-aassess kung buo ba itong aaprubahan o parte lamang.