DAGUPAN CITY- Tiniyak na ng Pangasinan Police provincial Office katuwang ang mga kapulisan mula sa iba’t ibang bayan at volunteer group ang paghahanda para sa seguridad sa nalalapit na Undas ngayon taon.
Ayon kay PCapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police provincial Office, maximum deployment ang kanilang ipapatupad para sa kabuhang 182 na sementeryo para palakasin at paigtingin ang police visibility sa probinsya.
Magdedeploy din sila ng 160 na police assistance desk sa buong probinsya para masiguro ang publiko para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Undas.
Kaugnay dito, nakatakda silang magdeploy sa 47 mga pangunahing kakalsadahan ng 40 police assistance desk habang ang bilang naman ng mga establiyemseto na kanilang naidentify na kinakailangan ng police assistance ay nasa 46 tulad na lamang ng malls, commercial place at iba pa na magdedeploy naman ng 22 police assistance desk.
Bukod pa dyan ay maging sa mga pook pasyalan na 50 ang kanilang naidentified ay magdedeploy din sila ng 33 pads para sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita. Para sa 21 na mga terminal sa probinsya ay magdedeploy sila ng nasa sampu na pads.
At sa ngayon ay nagsimula na rin sila sa deployment sa bawat pampublikong lugar kabilang na rin ang pagsasagawa ng tuloy tuloy na mobile patrolling, monitoring sa abwat bayan at sa mga nabanggit na lugar. Paiigtingin din ng mga awtoridad ang night watch sa bahagi ng Lingayen at Binmaley baywalk.
Samantala, mayroon na ring mga grupo ang nakatakda naming magsagawa ng pag-iinspeksyon at pag-iikot sa mga sementeryo sa buong probinsya upang makita ang mga sitwasyon at maipatupad ang mga panuntunan pagsapit ng undas.