Sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang drayber at pedestrian sa naganap aksidente sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Anolid, Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. Jerome Marquez, Deputy Chief of police ng Mangaldan PNP, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang kulay pulang motorsiklo na minamaneho ni Criselda Muyano Frianeza, 49 taong gulang, may asawa, nagtitinda, walang lisensiya at residente ng Brgy. Banaoang, sa nasabing bayan.

Habang ang pedestrian ay nakilalang si Dindo Billote Damasco, 59 taong gulang, may asawa, negosyante, at residente ng Brgy. Bari, sa nasabing bayan.

--Ads--

Nabangga ng motorsiklo ang pedestrian habang tumatawid ito ng kalsada.

Sa lakas ng impact ay parehong tumilapon ang driver at pedestrian at nagkaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Agad din silang dinala pareho sa pagamutan para sa karampatang lunas sa tinamong sugat.