Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa lungsod ng Dagupan maging ang lokasyon nito.

Ito ay matapos silang magkaroon ng special session upang pag-usapan ang amendments sa naunang draft resolution kung saan dito denetermina ang pinal na lokasyon ng building, disenyo, at supplemental annual investment program at budget na kinakailangan.

Inaasahang maitatayo ang nasabing pasilidad sa lumang LTO Dagupan City Building kung saan nakatakda itong magkakaroon ng nasa 25 Hospital Bed capacity na pinodohan naman ng Department of Health ng kabuuang 150 million pesos.

--Ads--

Ang Mother and Child Hospital ay isang health facility na aalalay partikular sa mga nanay at bata sa lungsod pagdating sa usaping pangkalusugan.

Bukod dito ay walang gagastusin ang mga mahihirap na pamilya ng Dagupeños sa panganganak maging ang serbisyong medikal para sa mga bata.