Dagupan City – Layuning mapanatili ng PNP Dagupan ang record noong nakaraang eleksyon na 0-incident.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Col. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City Police Station, napanatili ng mga ito ang kapayapaan noong nakaraang eleksyon sa lungsod ng Dagupan.
Kung saan ay nagbigay sila ng karagdagang pwersa ng kapulisan mula sa provincial office para makapagbigay ng seguridad para sa lahat.
Nasa tinatayang 60 kapulisan na rin ang naka-patrol para magbigay seguridad hindi lamang para sa mga aspiring candidates kundi pati na rin sa iba publiko.
Kaugnay nito, patuloy din ang panawagan ng himpilan sa publiko na nawa’y maging mahinaon ang mga kandidato.
Dagdag pa ang ikinasa nilang preventive measures upang maiwasan ang mga maiinit na diskusyon patungkol sa paghahain ng kandidatura.
Samantala, inaasahan naman na magkakaroon ng gun ban sa susunod na taon, partikular na sa enero 12.
Magaasagawa rin sila ng checkpoint operation o oplan sita sa buong lalawigan ng Pangasinan para mabantayan at masiguro ang kaligtasan sa halalan.