Mahigit Tatlung daan at pitong libo na (P370,000) halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang Top 3 Regional Priority Individual Target sa bayan ng Mangaldan, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PLt. Col Roldan Cabatan, Chief of Police ng Mangaldan, ang suspek ay isang 47anyos na lalaki atresidente ng Brgy. Embarcadero, Mangaldan,
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Mangaldan Police Station at PDEA Pangasinan.
Sa operasyon isinagawa ng otoridad, nakumpiska ang tinatayang 55 gramo ng shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P374,000.
Ipinaliwanag ni Cabatan na ang suspek ay nasa listahan ng Top Regional Priority Target, na nangangahulugang ang operasyon ay may mas malawak na saklaw sa mga katabing probinsya.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan habang inaayos ang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.
Paliwanag naman ni Cabatan na tuloy tuloy ang kanilang pagtutok sa problema sa mga illegal na droga.
Panawagan naman ni Cabatan na naway baguhin ang ganitong klase ng illegal na negosyo.
Dagdag pa niya na humanap nalang ng isang marangal na trabaho ng sa gayon ay maiwasan na malagay sa ganitong sitwasyon.