DAGUPAN CITY – Nasawi ang isang lalaki sa bayan ng Mangaldan matapos magkabanggaan ang minamanehong van nito at isang truck.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Jerome Marquez Deputy Chief of Police Mangaldan PNP ang nasabing van ay patungo sa direksiyon sa bayan ng San Fabian habang ang truck naman ay papuntang bayan ng Mangaldan.

Sa hindi malaman na dahilan ani Marquez ay nagkabanggaan ang nasabing sasakyan dahilan upang mangyari ang aksidente.

--Ads--

Hindi naman nagtamo ng sugat ang driver ng truck ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ang driver ng van.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang rason ng aksidente subalit napag-alaman na lumihis ang van sa may daanan ng truck dahilan upang magkabanggaan ang mga ito.

Paalala naman Pcapt. Marquez na kung magmamaneho man ay siguraduhing nakakondisyon ang sarili, hindi puyat at hindi nakainom ng alak.

Dapat din ay nasa tamang kondisyon ang sasakyan upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente.