Nasawi ang isang 28 anyos na lalaki matapos malunod sa isang ilog sa bayan ng Bolinao, sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Ryan Pico Camero, 28 taong gulang, walang asawa at nakatira sa Brgy. Catungi sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Jayson Orilla ang DCOP ng Bolinao PNP, sa imbestigasyon ay nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang ito’y lumusong sa ilog na naging dahilan ng pagkalunod ng binata.

--Ads--

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpunta ang biktima sa ilog malapit sa kanilang lugar kasama ang kaniyang dalawang mga kaibigan na sina Carlo Ocde Asuncion, 31 taong gulang at si Arnold Ocde Asuncion, 27 taong guang, parehong residente sa nasabing lugar.

Pagkarating sa lugar ay nag-umpisa nang uminom ng alak ang biktima kasama ng kaniyang mga kaibigan.

Banbdang hapon ay lumusong ang biktima sa ilog na may sampung metrong lalim at lumitaw pa ito upang humihingi ng saklolo, ngunit lumubog ulit ka-agad.

Agad namang tinulungang maka-ahaon ang biktima ng kaniyang mga kaibigan at agad na itinakbo sa pinakamalapit na hospital ngunit ideneklara na itong dead on arrival.

Ayon sa salaysay ng mga kasama ng biktima, may kalaliman ang ilog at malakas ang agos dahil na rin sa sama ng panahon.