Dagupan City – Patuloy na isinusulong sa pamahalaan ang panawagang National Wage Increase ng Federation of Free Workers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sonny Matula, ito ngayon ang isa sa patuloy na panawagan ng mga manggagawa.

Matatandaan na nauna nang inaprubahan ng National Capital Region Wage Board ang dagdag na P35 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor sa Metro Manila kung saan ay naging P645 na mula sa dating P610.

--Ads--

Ani Matula, kung susukatin ang itinaas na sahod sa sektor ay kakarampot lamang ito.

Kung kaya’t isa sa nakikita nilang solusyon ay ang P150 wage increase sa buong bansa upang umepekto ito sa pangkalahatan.

Nanawagan naman ito sa mga manggagawa sa bansa na tumulong sa panawagan upang mabigyang pansin ng pamahalaan ang panawagan at bigyang aksyon ito.