Dagupan City – Hindi sapat ang mga natatanggap na umanong death threats ni Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang sunduin ito ng mga high officals ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hindi sagot ang ginawang pagpapaliwanag ng mga matataas na opisyal ng hanay ng kapulisan at National Bureau of Investigation na dahil lamang may natatanggap na death threat si Guo ay sila na dapat ang sumundo kung maaari namang mga tao mismo ng mga nasabing hanay.

Hindi rin katanggap-tanggap aniya ang ginawang pagtrato kay Guo nang makarating ito sa bansa kung saan ay nagmistula itong isang celebrity na dinumog at may mga nagpakuha pa ng larawan.

--Ads--

Binigyang diin ni Yusingco na hindi magandang pangitaan ang ginawang pagpayag ng law enforcement agency, dahil napaka-seryosong kaso ang kinakaharap nito.

Samantala, ngayon naman na ibinaba na ang warrant of arrest ni Guo mula sa Regional Trial Court, dapat aniyang awtomatikong sa kulungan na siya pupunta.