Dagupan City – Malayo sa nangyayaring tensyon sa ibang bansa gaya na lamang ng Israel VS. Gaza at Estados Unides VS. Russia kung ikukumpara ang hinihingi ng Indonesian government na si high-profile drug suspect Gregor Johan Haas bilang kapalit ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Lawyer, ang Indonesia at Pilipinas ay close-ally’s kaya ang linguistic na napaulat na sinasabing swap ay malayo sa nangyayari sa ibang mga bansa.
Aniya, ang sinabing palitan ay nangangahulugan lamang na ang Indonesians ay gustong makakuha ng kasagutan sa high-profile drug suspect dahil kung transfer lang din ang pag-uusapan ay maaring kumplikado pa ito dahil nasa ilalim ng extradition treaty ang bansa.
Binigyang linaw naman nito na ang mga kaso ni Guo ay wala pa sa korte, at ang sinasabing paglabag nito ay nasa ilalim lamang ng violation of several laws gaya na lamang ng pagtakas sa Singapore hanggang sa Indonesia.
Muli naman nitong binigyang diin na hindi fugitive ang kaso Guo, dahil wala pang inihahain na warrant of arest ang korte laban sa kaniya kundi ang senado lamang ang nag-issue nito.
Samantala, nakalatag na ang security plan para sa pagdating ng pinatalsik na alkalde kung saan, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, na mayroon na silang koordinasyon sa ibang ahensiya gaya sa PNP.