BOMBO DAGUPAN- Tila’y mahihirapan pa maibalik si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa dahil sa hinihinging kapalit ng Indonesia,

Hinihingi ng Indonesian government si high-profile drug suspect Gregor Johan Haas bilang kapalit nito.

Si Haas ay naaresto naman sa Bogo, Cebu noong mayo 15 matapos matanggap ang red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol, batay ito sa criminal complaint na mula din sa gobyerno ng Indonesia laban sakaniya.

--Ads--

Kaugnay nito, si Haas ay hinihinalang myembro ng Sinaloa cartel, isang nternational organized crime syndicate na nakabase sa Culiacan, Sinaloa, Mexico.

Ani Justice Secretary Crispin Remulla, ang hinihingiing palitang ng preso ay magpapahirap sa pagpapabalik kay Guo dito sa Pilipinas.

Samantala, nangako naman si Pangulong Ferdinand Marcos jr. na papanagutin din nito ang mga tumulong kay Guo para makaalis sa bansa.

Hindi naman pinangalanan ng pangulo ang mga ito subalit, sinabi niyang malalaman din ito ng lahat.