BOMBO DAGUPAN – “Habang buhay ang mga magulang ay wala pang parte ang mga anak sa kanilang ari-arian.”

Yan ang ibinahagi ni Atty. Joey Tamayo, Resource Person Duralex Sedlex.

Aniya na ayon sa batas ang karapatan ng pagmamana ay mangyayari lamang kung ang taong pagmamanahan ay wala ng buhay.

--Ads--

Ito ay kaugnay sa pagsasanla ng kanilang ari-arian at paghingi ng parte habang sila ay buhay pa.

Ani Atty. Tamayo na kapag pumasok sa isang kasunduan o tinatawag na mortgage sa pagitan ng dalawang tao kung saan ito ay isang kasulatan na nagpaphintulot sa nagpautang na magkaroon ng karapatan na kunin ang iyong mga ari-arian kung hindi mo mababayaran ang perang hiniram mo.

Subalit mangyayari lamang ito sa loob ng sampung taon kapag nabigong makapagbayad ang umutang.

Kaugnay nito ay hindi naman nangangahulugan na kapag naremata ang isinanlang ari-arian ay pagmamay-ari na ito ng nagpautang. Dadaan muna ito sa bidding kung saan ang lahat ng interesado na gustong bilhin ang lupa ay maaaring magbid.

Ang pinakamataas na bid ay siyang makakakuha nito.

Samantala, sa loob ng isang taon mula sa pagkakarehistro ng bid ay maaari paring ito i-buy back ng may-ari sakaling mayroon na sila kaukulang halagang katumbas nito.

Paalala na lamang ni Atty. Tamayo na mainam na kung papasok sa utang ay basahin ng mabuti ang kontratang pipirmahan upang masigurong tama ang inyong naging kasunduan.