BOMBO DAGUPAN – “Maganda ang inisyatiba na ikoordina lahat ng budget at resources na pumapasok para sa livelihood ng mamamayan”

Yan ang ibinahagi ni Julius Cainglet, Vice President, Federation of Free Workers matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) para pamunuan ang inter-agency council na siyang magpapatupad ng Program Convergence Budgeting (PCB) para sa mga programa sa kabuhayan at trabaho sa bansa.

Aniya na dahil dito ay mabibigyan ng karapatan ang bawat manggagawa na busisihin ang budget at malaman kung saan ilalaan ang mga ito.

--Ads--

Dagdag pa niya na maganda na may livelihood opportunity ang bawat mamamayang pilipino upang sila ay matuto ng mga panibagong kasanayan na siya namang magiging kapaki-pakinabang at magiging malaki ang epekto sa mga manggagawa.

Ibinahagi din niya ang iba’t ibang ahensiya sa bansa na nagbibigay ng livelihood gaya ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority at iba pa.

Ani Cainglet na kapag napunta sa DOLE ang pondo ay matitiyak na mapupunta sa tunay na nangangailangan ng livelihood.

Samantala, dahil mataas parin ang underemployment sa bansa ay umaasa ito na kagyat ng maaprubahan ang panukalang batas na P150 wage increase across the board upang maramdaman naman ng mga manggagawa ang kaginhawaan.