BOMBO DAGUPAN – Dahil sa kagustuhang makakuha ng perfect selfie sa itaas ng bundok, nahulog at binawian ng buhay ang isang kilalang Czech female gymnast.

Ang athlete na si Natalie Stichova, 23, ay umakyat sa Tegelberg Mountain sa Bavaria, Germany.

Kasama niya ang kanyang boyfriend at dalawa pang kaibigan na umakyat sa bundok, kung saan matatagpuan ang kilalang Neuschwanstein Castle, na siyang inspirasyon sa castle ni Auroa sa Disney animated film na Sleeping Beauty.

--Ads--

Ayon sa report, habang nagpo-pose para mag-selfie sa tuktok ay nadulas at nalaglag si Natalie sa kinatatayuang bato na may taas na 80 meters o halos 262 feet.

Naisugod pa siya sa ospital pero matinding brain damage ang kanyang tinamo.

Kuwento ng kaibigan na kasama ni Natalie, nakatayo siya sa dulo ng isang bato sa tuktok ng bundok para kumuha ng picture.

Nakita raw ng kaibigan na nahulog ang isang paa ng atleta.

Hindi raw niya matiyak kung nadulas si Natalie o may bahagi ng kinatatayuang bato ang bumigay.

Kasunod ng pangyayari, tumawag ng pulis ang tatlong kasama ng biktima.

Isinugod siya sa ospital via helicopter pero dahil sa matinding pinsala at “irreversible brain damage,” nagdesisyon ang pamilya na tanggalin ang kanyang life support

KIlala si Natalie sa kanilang bansa bilang sports star at nagsimula na ring mag-train ng aspiring junior gymnasts.