BOMBO DAGUPAN – Isang residente ng New Hampshire ang namatay dahil sa isang bihirang impeksyon sa utak na dala ng lamok na tinatawag na Eastern equine encephalitis.

Ang pasyente, na kinilala lamang bilang nasa hustong gulang mula sa Hampstead, New Hampshire, isang bayan sa timog-silangang sulok ng estado, ay nagpositibo sa equine virus (EEEV) at naospital na may malubhang sintomas ng central nervous system bago masawi, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ng estado.

Ang kaso ay inihayag matapos ang apat na hindi naman nakamamatay na impeksyon sa EEEV na naiulat sa U.S. ngayong taon sa Federal Centers for Disease Control and Prevention.

--Ads--

Matatandaan na ang huling naiulat na kaso nito sa tao sa New Hampshire ay noong 2014, kung saan tatlong impeksyon ang naitala at dalawa dito ay nasawi.