BOMBO DAGUPAN – Humarap na sa mga awtoridad ang BTS member na si Suga, para makipagtulungan sa imbestigasyon ng kinasasangkutan niyang drunk driving case.

Ayon sa ulat ng ilang South Korean news outlet, personal na nagtungo si Suga sa Seoul Yongsan Police Station para harapin ang questioning na isasagawa ng pulisya.

Ngunit bago pa man makapasok sa police station, nakorner na ng Korean media ang K-pop idol at nahingan ng reaksiyon sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya.

--Ads--

Dito nagkaroon ng pagkakataon si Suga na humingi ng paumanhin sa publiko, lalung-lalo na sa BTS fans—ang Army, na na-disapoint daw sa kanyang sinapit.

Kalakip nito ang pangako niyang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makiisa sa imbestigasyon.

Matatandaan na noong August 7, pinag-usapan online ang tungkol sa pagkakahuli kay Suga ng Seoul Yongsan Police matapos nitong lumabag sa Road Traffic Act dahil sa pagmamaneho niya ng electric scooter nang lasing.