Dagupan City – Kritikal ang 40-anyos na welder matapos na sumalpok ang sinasakyan nitong bisiklita sa isang trak sa bayan ng Bugallon.

Ayon kay PMAJ. Ramsey Ganaban, Chief Of Police ng Bugallon PNP kinilala ang siklista na si Jimmuel Vargas Guinipaan, 40-anyos, residente ng Brgy Umanday sa bayan ng Bugallon. Habang ang driver naman ng Truck ay si Jimmy De Vera., 26-anyos na residente ng Brgy. San Vicente sa bayan naman ng San Jacinto, Pangasinan.

Lumalabas sa inisyal na imbistigasyon na na binabaybay ng truck ang kabahaan ng kalsada patungo sa hilaga, habang ang bisiklita naman ay binabaybay ang kahabaan ng timog sa outer southbound lane hanggang sa bigla itong tumawid sa kalsada papunta sa northbound lane.

--Ads--

Dahil dito, sumalpok ang bisiklita niya sa truck na naging sanhi ng kanyang pagkahulog sa sementadong simento.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang siklista at agad na dinala sa Lingayen District Hospital, saka inilipat sa Region 1 Medical Center sa Brgy Bonoan Binloc, Dagupan City.

Hindi naman nasaktan ang driver ng truck at dinala sa RHU Bugallon, Pangasinan para sa medikal na pagsusuri. Ang sangkot na mountain bike at trak na napinsala ng hindi pa matukoy na halaga ng pagkukumpuni ay dinala sa Bugallon PS para sa kaukulang disposisyon at nakapag-usap na rin ang mga ito para sa settlement ng dalawang panig.

Kaugnay nito, kung ikukumpara naman aniya ang datos sa naitatala noong nakaraang taon, mas tumaas ang naitatala nila ngayong taon. Paalala naman ni Ganaban sa publiko, ugaliing magsuot ng bagong ipinatupad sa lalawigan na reflectorized vest upang maging visible ang mga ito sa dilim.