BOMBO DAGUPAN – Nakakatulong at napakahalaga ang pagsusuot ng reflective Safety vest sa mga motorista lalo na sa gabi.

Ayon kay Arly Javier, Motorcyle Driver / MotoVlogger, ang mga tulad niyang rider ay gumagamit ng maliit na sasakyan sa highway kaya kailangan na vissible sila sa mga lansangan lalo na sa gabi.

Sa gabi o sa mga madilim na lugar dinadaanan ay hindi vissible ang mga motorsiklo pero kapag nailawan sila kahit malayo pa ang sasakyan ay nagiging vissible sila.

--Ads--

Matatandaan na naging mandatory na sa maraming lugar sa bansa kasama ang lalawigan ng Pangasinan ang pagsusuot ng reflective Safety vest sa lahat ng motoristang bumibiyahe ng alas 6 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga .