BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang tricycle driber sa banggaan na nangyari sa kahabaan ng barangay road ng Brgy. Alos, Alaminos City.

Ito ay kinasasangkutan ng isang kulay itim na tricycle na minamaneho ni Agustin Cablayan Velano Jr., 84 anyos, may asawa, at residente sa nasabing lugar at isang kulay puting ford Ranger na minamaneho ni Regie Naboa Cabanilla, 38 anyos, may asawa,negosyante at residente ng Brgy. Baruan, Agno, Pangasinan.

Ayon kay PLT. Solomon B. Casis, PCAD/OPN PCO. Alaminos City PNP, lumalabas sa imbestigasyon na na ang ang dalawang sasakyan ay parehong bumabagtas sa north direction nang tinangkang mag left turn ang tricycle para pumunta sa Mineral Water Refilling Station habang ang sumusunod na sasakyan ay pinilit na mag overtake pero hindi niya nakalkula at nahagip pa rin niya ang tricycle.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang driber ng tricycle sa kalsada na nagresulta ng natamong matinding sugat sa ibatt ibang parte ng katawan.

Dinala pa ito sa Western Pangasinan District Hospital, ngunit ideneklara siyang dead on arrival ng attending physician.

Samantala, ang drriber naman na nakabangga ay dinala rin sa parehong hospital para sa medical examination pero negatibo ang resulta ng kanyang alcoholic breath examination.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa naturang driber.