Dagupan City – Binigyang diin ni Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora na mali ang “bolang crystal” ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa umano’y namumuong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, wala umanong pinag-uusapang ganitong plano sa Kamara laban kay VP Sara na hindi rin naman nadadawit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Tugon pa ni Zamora, sa kanya namang bolang kristal, ay nakikita niya na sama-samang magtatrabaho ang gobyerno at mga Pilipino.

--Ads--

Kaugnay nito, binigyang diin naman ni La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V na ang Kamara ay nakatuon lamang sa katotohanan o mga detaye ng mga usapin at hindi kasama ang pagpapatalsik sa bise presidente.

Samantala, bagama’t walang planong impeachment laban kay VP Sara ay aminado naman si Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na hindi niya ikagugulat kung mayroong maghain nito.