BOMBO DAGUPAN– Unti-unti nang nawawala ang ilang katutubong wika sa bansa.

Ayon kay Lourdes Hinampas, chief Language Researcher ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika sa panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupan, batay sa datos ng PSA, mahigit 1 million na sambahayan ang gumagamit ng mga katutubong wika at isa na ang wikang pambansa na Pilipino,Cebuano,ILocano, Bicol,at Hiligaynon at marami pang iba.

Subalit, may mga wika naman ang kakaunti na ang nagsasalita at malapit nang mawala.

--Ads--

Base sa kanilang obserbasyon,unti unting nawawala sa lipunan ang ibang mga katutubong wika dahil nawawala ang gamit ng wika sa kanilang pag araw araw na pangungusap.

Kasama ring dahilan ay ang nararanasang deskriminasyon lalo na sa eskuwelahan kaya hindi na gagamitin dahil ayaw na tuksuhin o mapahiya.

Giit nito na mahalagang kilalanin at pahalagahan ang wika ng bansa bilang pagpapaalala na kailangan na gamitin ang sariling wika at ituro sa susunod na henerasyon para hindi maglaho.