Dagupan City – Matapos ang record breaking na humuli sa puso ng mga nitizens na 2023 Metro Manila Film Festival entry na When I Met You In Tokyo, tila ba’t nabuhay muli ang passion ni Vilma Santos na gumawa ng mga makubuluhan at dekalidad na mga pelikula.

Dahil dito, naglabasan na kamakailan sa social media ang mga larawan kung saan kasama ng Star For All Seasons ang grupo ng Mentorque Productions kasama ang director na si Direk Dan Villegas.

Sa isang post ni producer Atty. Joji Alonzo, ipinasilip nito ang pagsisimula ng shooting ng pelikulang Espantaho na pagsasamahan nila Vilma at Judy Ann Santos sa ilalim ng direksyon ni Direk Chito Rono.

--Ads--

Ayon kay Vilma, isa sa mga pelikulang nakalinya niyang gawin ay kung gaano siya ka-excited na gawin ang mga roles sa isang recent event ng Department of Foreign Affairs kung saan ang Star For All Seasons ang siya mismong naging guest speaker.

Ipinaabot ni Vilma ang kaniyang pasasalamat sa publiko dahil sa pagiging No 1 ng When I Met You In Tokyo nang ipalabas ito sa Netflix.

Samantala, proud na proud naman nitong ikunwento ang bonding nila ng apong si baby Peanut na ayon sa kanya ay alam niyang magiging artista din pagdating ng araw.