Dagupan City – Isininumite na ang pangalan ng mga tricycle drivers at biktima ng scam sa bayan ng Malasiqui sa banko at hanay ng kapulisan para sa settlement.

Ayon kay PLT.COL. Edgar Palaylay, Chief of Police ng Malasiqui PNP, matapos ang ulat ng scam sa kanilang bayan ay agad nila itong inaksyunan kung saan ay nagsagawa sila ng pagpupulong upang alamin ang mga aksyon na dapat ibigay sa mga biktima.

Isa na nga sa mga hakbang ay ang pagsumite ng mga pangalan ng mga ito sa banko kung saan sila nakarehistro upang ideactivate na ang kani-kanilang account.

--Ads--

Lumalabas kasi sa pahayag na rin ng bankong ginamit na ang transakyson ng mga nagparehistro ay nagpapasok sila ng pera sa acoount ngunit winiwithdraw ito sa ibang lugar.

Matatandaan na ibinahagi ng mga biktima ng modus ang nangyari sa kanila kung saan ay isinalaysay ng mga ito ang ginawa para mapasailalim sila sa scam.

Kung saan ay nagtungo umano sa kanilang lugar ang mga scammer at nagpakilalang galing ito sa isang sim card company, at ang taktika, inengganyo ang mga tricycle drivers at residente sa bayan na naka-promo ang kanilang sim card at makakatanggap sila ng P150.

Dahil dito, nagpalala si Palaylay sa publiko na ugaliing mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon dahil laganap ang mga scammer at kriminalidad sa bansa.