BOMBO DAGUPAN -Nakitaan ng pamahalaan ng Australia sa kanilang pag susuri na may nagawang mali ang militar ng Israel sa isinagawang mga drone strike sa isang convoy na kumitil sa buhay ng pitong manggagawa sa Gaza.
Ang strike noong Abril 1 ay pumatay sa mga charity workers ng World Central Kitchen (WCK) mula sa mga bansang Australia, Canada, Poland, UK at Estados at pati na rin ang kanilang kasamahang Palestinian.
Lumabas ang pagsusuri, na ang Israel Defense Forces (IDF) ay nabigong sumunod sa mga pamamaraan at nagkamali sa paggawa ng desisyon.
--Ads--
Kaugnay nito ay naglusad ang IDF ng internal investigation at sinbak na rin ang mga senior officers na nasasangkot sa isinagawang strike na tinawag na “serious failure” at “grave mistake”.