BOMBO DAGUPAN – Naging kaabang-abang ang natapos na laban ni Pinay Boxer Nesthy Petecio kung saan naqualify ito sa next round.

Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent Paris, France sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na nakakainspire si Petecio dahil ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya at talagang nais niyang makakuha ng gintong medalya.

Kung saan 148 ang tumamang suntok sa kanyang kalaban na Jaismine ng India.

--Ads--

Aniya kahit snippet lamang ang kaniyang napanood ay talagang naexcite siya sa naging laban nito.

Samantala, hindi man nakaadvance para sa next round ang ilang mga atleta ng bansa ay pinapasalamatan niya ang mga ito sa pagbibigay ng kanilang makakaya para sa greater glory ng pilipinas.

Patuloy naman ang kanilang pag-antabay sa mga susunod pa na sasabak sa nasabing palaro.