DAGUPAN CITY- Naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang bagong regulasyon para sa kaligtasan ng mga motirista sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ilalim nito, kinakailangan na ng mga motorista at backriders na magsuot ng reflectorized vest. Kinakailangan din na maglagay ng reflectorized sticker sa mga motor upang mapabuti ang visibility nito sa kalsadang dadaanan nito mula 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga.

Para sa mga motorcycle riders, maliban sa mga sakay nito na maglalagay ng naturang vest, kailangan din maglagay ng reflectorized vest sa backpack na maaaring matakpan ang vest na suot, gayundin sa rear topbox nito.

--Ads--

Sa Bicycle riders, dapat din mag install ng puting reflector sa harapan ng bike. Pula o orang namane na ilaw ang ilalagay sa likurang bahagi kung babyahe ito sa national at provincial roads ng Pangasinan.

Habang sa mga tricycle naman, kailangan din maglagay ng reflective materials sa sidecar nito.

Samantala, maaari naman magmulta ng P1,000-P5,000 at makulong ng hindi lalagpas ng isang taon ang mahuling lumabag sa nasabing ordinansa.