Dagupan City – Nagbabalik na sa pag-arte ang actor na si James Reid matapos ang ilang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula at serye.

Matatandaan na nag-focus muna si James sa kanyang musika at sa talent management company niyang Careless.

At hindi pa rin gumagawa ng ilang pelikula mula nang mabuwag ang JaDine at love team nila ng ex-girlfriend nitong si Nadine Lustre.

--Ads--

Lumalabas naman na marami ang nanghinayang noon nang sinabi ng aktor na tatalikuran na nito ang pag-arte at piniliing magsolo.

Sa isang panayam naman kamakailan inamin ng aktor na namiss nito ang pag-arte sa harap ng camera, ngunit nilinaw naman ni James na kahit na-miss niya ang pag-arte ay hindi ito nangangahulugan na bukas siyang pumasok ulit sa isang love team.

Ayon pa kay James, wala naman siyang pinagsisihan sa naging desisyon niya na mag-pokus muna sa musika.