Dagupan City – Hindi dapat ikabahala ng publiko ang binitwang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi ito dadalo sa iktlong SONA ng pangulo.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo, Lawyer, bagama’t nakikitang hindi na gano’n na magkalapit ang dalawa, hindi naman ito nangangahulugan na dapat ikabahala ng publiko.
Ipinaliwanag naman ni Tamayo ang ibig sabhin ng ‘designated survivor’ na ito ay isang indibidwal na kadalasang ina-appoint ng pangulo at hindi dadalo at manonood sa SONA upang siya ang mamumuno sa oras na may mangyaring malaking kalamidad o ‘catastrophic incident’ na magiging dahilan ng pagkamatay o iba pang physical incapacitation sa mga opisyal ng bansa na nasa line of succesion.
Ayon kay Atty. Tamayo, marahil ay nagbibiro lamang ang bise sa kaniyang pahayag dahil malinaw na nakasaad sa batas ng bansa ang line of succession.
Kung saan kapag naalis ang pangulo sa kaniyang posisyon, ay papalit ang bise presidente, presidente ng senado, speaker of the house of representatives.
Samantala, ito n ang kauna-unahang pagkakataon na hindi dadalo ang pangalawang pangulo sa SONA ni PBBM na kanyang ka-tandem sa 2022 elections.