Dagupan City – Dinaluhan ng dalawampu’t siyam (29) na kawani ng iba’t-ibang resort at cottages ang 5-day Water Search and Rescue (WASAR) sa lungsod ng Alaminos.

Ang programang ito ay bilang resulta ng inisyatibo ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos.

Pinamumunuan naman ito ng kanilang Alkalde na si Hon. Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office, at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Province of La Union/ La Union Rescue 911 bilang trainer.

--Ads--

Tinalakay dito ang mga pag-aaral ng mga teknik at kasanayan sa Water Search and Rescue at bahagi rin ng pangkalahatang programa ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga turista at mga mamamayan sa lungsod.