BOMBO DAGUPAN – Pumalo nasa 30,000 pamilya ang naapektuhan sa nangyaring wildfire sa California kung saan ang mainit na temperatura ay nagdulot ng heatwave.
Ayon kay Rufino “Pinoy” Gonzales Bombo International News Correspondent California, USA na kakasimula palang ng summer sa nasabing bansa kayat mataas ang tyansa na magkaroon ng wildfire sa ngayon.
Aniya ay umabot sa 100 degrees fahrenheit ang naitalang temperatura kung saan ang mga kabahayan na apektado ay hindi lamang sunog kundi abo na maging ang mga damit at sasakyan ay walang naiwan.
Kaugnay nito ay magbibigay naman ang gobyerno ng California ng temporary shelter sa mga pamilyang apektado.
Samantala, tinatayang nasa 55 million ang populasyon ng nasabing bansa kung saan ang 3 million doon ay mga Pilipino.
Sa kasalukuyan ay wala pang ibinigay na state of emergency ang kanilang gobyerno kahit naging mabilis ang pagkalat ng apoy.