Kinumpirma na ng Philippine Navy ang presensya ng dambuhalang Chinese ship sa West Phil Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, dumaan ang naturang barko sa Ayungin Shoal kahapon, July 3.
Kung saan ay batay sa huling impormasyon kahapon, natuntun ang dambuhalang barko ng China sa Mischief Reef na nagsilbing pinamamalagian ng dambuhalang barko, kasama ang iba pang malalaking barko ng China.
Lumalabas naman sa na ang ginawang pagbabalik ng dambuhalang barko ng China sa WPS ay ilang araw lamang mula nang ito ay nakitang umalis sa lugar.
Sa kasalukuyan naman, patuloy pa rin ang ginagawang tracking ng Armed Forces of the Philippines upang matukoy ang kilos o takbo ng tinaguriang ‘Monster Ship’ at ang pagmamanman sa galaw ng iba pang mga barko ng China na ginagamit ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at Chinese Maritime Militia sa West Philippine Sea.
Gayonpaman, tinukoy naman ito ng AFP official na walang nakikitang kakaibang pagkilos sa mga naturang barko.