DAGUPAN CITY- Kulungan ang bagsak ng isang binata sa bayan ng San Fabian matapos umano nitong manggahasa ng menor de edad.

Ayon kay PMaj. Conrado Norial, Deputy Chief of Police ng San Fabian PNP, kinilala ang suspek na si Jay-R Valdez, 19 anyos, construction worker, at residente ng Brgy. Cayanga, sa nasabing bayan.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon, na kakilala umano ng biktima ang nasabing biktima.

--Ads--

Samantala, nahaharap naman ang suspek sa kasong Statutory Rape at wala umano itong bail bond.

Saad naman ni PMaj. Norial, nagpapatupad sila ng mga aktibidad upang mapigilan ang mga katulad na kaso.

Gayunpaman, sa pagtutulungan din sa mga residente ng San Fabian, bumaba aniya ang crime rate sa kanilang bayan.

Nananawagan naman siya sa mga magulang na tiyakin na mapagkakatiwalaan ang mga kakilala ng kanilang anak upang makaiwas sa nasabing krimen.