Dagupan City – Inireklamo ng isang emleyado ang kaniyang pinapasukan na opisina matapos itong bigyang sahod kahit na wala naman itong ginagawa.
Kinilala ang trabahador na si Laurence Van Wassenhove, at aniya ay nagkakaroon umano ng diskriminasyon sa kanila.
Sinabi nito na hindi niya nagustuhan ang pagtrato ng kumpanyang pinapsuweldo at kumpleto ang benifits ngunit wala namang ipinapagawa sa kanya.
Mula nang ipanganak si Wassenhove taglay na niya ang sakit na hemiplegic. Kung saan nakakaranas siya ng partial paralysis sa mukha at maging sa kanyang paa at kamay.
Dahil dito, binigyang diin niya ang salitang “I am a disabled worker, not a sick person.”
Lumalabas naman na noong 2000, na-acquire ng kompaniya ng London ang France Telecom at pagsapit ng 2002 nag-request ito na ilipat siya sa ibang region ng France.
Ngunit makalipas ng ilang buwan sa trabaho ay kinumpirma ng isang occupational medicine report na ang posisyon ni Laurence ay hindi niya kayang gampanan.
Kung kaya’t, simula noong 2024, hindi na siya binigyan ng kumpanya ng anumang tasks, at hindi na rin siya pinaa-attend sa anumang meeting, at wala ring professional emails pero patuloy siya nitong pinapasahod.