Tiniyak ni US President Joe Biden na mananalo pa rin ito sa Presidential elections laban kay Donald Trump sa darating na halalan sa Nobyembre.
Ito ang siniguro niya sa kanyang Democrat donors matapos ang presidential debate noong nakaraang linggo.
Kasunod nito ay nakiisa ang Pangulo sa ilang mga fundraising event sa New York at New Jersey noong Sabado kung saan ay ipinagtanggol nito ang hindi nito naging magandang pagganap sa nasabing debate.
Minarkahan ang debate performance ni Pres. Biden ng hindi nito maayos na mga kasagutan na nagtaas naman ng pangamba sa ilang ma Demokratiko patungkol sa kung siya ba ang nararapat na kandidato para sa nalalapit na eleksyon.
Sinabi ni Former Democratic House speaker Nancy Pelosi na ang pagganap ni Pre. Biden sa debate ay hindi maganda, habang tinawag naman ito ng kanyang dating communications director na si Kate Bedingfield na “labis na nakakadismaya”.
Nagpahayag din naman ang ilang mga botante ng pangamba kaugnay sa mental at cognitive health ni Pres. Biden.
Inihayag naman ni Biden campaign chairwoman Jennifer O’Malley Dillon na sa kabila nito ay hindi nagbago ang opinyon ng mga botante ayon sa internal post-debate polling.
Bagamat kinilala ng Biden campaign na hindi nagtapos ang debate ng naaayon sa kanilang kagustuhan, nanindigan naman ito sa kanilang katayuan na hindi bababa ang Pangulo para bigyang-daan ang ibang kandidato. (BBC)