BOMBO DAGUPAN -Nademote ang isang pulis sa South Carolina sa Estados Unidos dahil sa paggamit ng city security camera para tiktikan ang asawa nito.

Minanmanan kasi ni dating Lt. Ryan Terrell ng North Charleston Police sa nasabing bansa ang kanyang misis dahil sa suspetsang may secret affair ito.

Nag-espiya si Ryan gamit ang security cameras ng City of North Charleston, ayon sa isang ulat kung saan nabisto kasi niya ang relasyon ng kanyang asawaay na isa ding kasamahan niyang police.

--Ads--

Sa mga napasabing ulat ay binantaan daw ni Ryan ang kalaguyo ng kanyang misis ngunit paglilinaw naman ng misis nito na hindi sila binantaan.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan sa kanilang lugar kung saan ang tatlong taong sangkot sa isyu ay ipinatawag.

Dito nga natukoy na hindi naman binantaan ni Ryan ang asawa at ang kasamahang pulis, pero sinabihan ni Ryan ang misis nito na kapag nahuli nitong may relasyon sa iba, ay makukulong siya.

Bagama’t ay nais lamang ni Ryan na malaman kung may kalaguyong iba ang kanyang misis subalit dahil sa paggamit ng security cameras, na-demote siya sa posisyong master patrol officer.

Bukod pa rito ay binigyan siya ng six-month probation period, tinanggalan ng access sa security system, at inilipat pa sa patrol division.