Dagupan City – Aabangan ng mga residente sa Amerika ang pagtalakay sa ekonomiya sa paghaharap nina US President Joe Biden at dating US President Donald Trump sa unang Presidential debates para sa 2024.
Ayon kay Pinoy Gonzales, Bombo International News Correspondent sa USA, isa iyun sa pinaka-aabangan ng mga American Citizens dahil iyon ang isa sa pinaka-prayoridad ngayon sa bansa.
Kaugnay nito, ilan sa mga posibleng isyu na tatalakayin sa debate ang tungkol sa border security at immigration, abortion rights, usapin sa ekonomiya ng Amerika at concern ng mga botante kaugnay sa edad at kalusugan nina Biden at Trump.
Matatandaan na pinakahuling nagkaharap sa debate stage ang dalawa noong 2020 US Presidential elections.
Samantala, tianwag naman ni Pinoy na Fatal Mistake ang ginawa ni President Biden sa magaganap na debate dahil maaring isa lang ito sa makakasira ng kaniyang estado sa pulitika.