BOMBO DAGUPAN -Maaaring maging solusyon sa lumalaganap na climate change ang pagsuporta at pakikiisa sa adhikain na pagtatanim ng puno lalo na ang pakikilahok sa mga aktibidad gaya ng malawakang pagtatanim.
Isa sa mga layunin ng isinagawang National tree planting sa bayan ng Mangatarem ang pagsuporta sa kaayusan at upang maprotektahan ang kalikasan gayundin ang ating mga likas na yaman.
Ilan lamang sa nakilahok sa nasabing aktibidad ay si Atty. Czareanah Aquino Isidro Assist. Regional Director PDEA Region 1, aniya na maraming nakicooperate sa kanilang ahensiya kung saan ibinhagi niya na dahil sa nararanasan na natin ang climate change ang dating malamig na klima ay uminit na at ang ilang mga lugar na hindi naman gaanong inuulan ngayon madalas na ang bagyo.
Samantala nakilahok din ang ilang mga student leaders mula sa Pangasinan State University Bayambang Campus. Ani Joward B. Medina President, SSC PSU Bayambang Campus & Student Regent, FSG PSU na madaming benepisyo ang pagtatanim ng puno kabilang na dito ang pagprevent sa mga sakuna gaya ng soil erosion gayundin ito ay maituturing na reforestation, upang makapagbalik naman tayo sa kalikasan.